「6名华人在菲律宾被绑架 2023.12.30」
近日,据菲律宾多家媒体报道,6名华人在家中被绑架案两名嫌犯落网。

在菲律宾绑架6名中国人嫌犯落网
2023-12-30 21:09

近日,据菲律宾多家媒体报道,6名华人在家中被绑架案两名嫌犯落网,菲律宾国家警察反绑架大队逮捕嫌犯后,已将其带到司法部立案。

报道称,两名嫌犯身份为商人和保安,被指控绑架勒索、严重非法拘留和谋杀罪。

10月30日,菲律宾马尼拉蒙廷卢帕一别墅社区,中国籍曾先生家6人遭入室绑架,其中两名女性和两名男性先后遇害,一名11岁男孩和其母亲至今下落不明。

目前,涉案嫌犯人数尚未确定,菲警方正进一步办理该案。


Lalaki tiklo sa pagdukot sa 6 Chinese, 3 Pinoy sa Muntinlupa
December 31, 2023 09:44

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki na sangkot umano sa pagdukot sa anim na Chinese national at 3 Pinoy sa Muntinlupa City.

Sa pahayag ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, naaresto ang suspek na si alyas “Alfred” nitong Huwebes, Disyembre 28 sa Barangay Putatan.

Si Alfred umano ang nagmaneho ng sasakyan na ginamit sa pagdukot sa mga biktima.

Isang buwan minanmanan ng mga awtoridad ang suspek bago gawin ang operasyon.

“The AKG able to collate all information and revelation made by one of the witnesses in the said case as well as the other evidence pointing out the identity and role of the suspect in the tragic crime,” anang AKG sa pahayag.

Ang mga biktima ay dinukot noong Oktubre 30 sa kanilang tirahan sa Muntinlupa.

Pinakawalan ang tatlong Pinoy habang natagpuang patay naman ang apat na Chinese sa iba’t ibang lugar sa Rizal at Quezon noong Nobyembre.

Pinaghahanap pa ang dalawang Chinese na biktima.

Nahaharap sa kasong murder at carnapping ang suspek.


2 suspek sa dinukot na 6 Chinese sa Ayala-Alabang, hawak na ng PNP-AKG
Published 08:30 pm

Arestado na ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawa sa mga suspek sa pagdukot sa 6 na Chinese at 3 Pilipino sa eksklusibong Ayala-Alabang Village sa Muntinlupa City noong madaling araw ng Oktubre 30.

Ang isa sa dalawang suspek ay dinala sa Department of Justice (DOJ) at sinampahan ng kaso.

Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, kidnapping for ransom, serious illegal detention at murder ang ihahain sa mga suspek kabilang ang isang negosyante at isang security guard.

Nabatid na isang araw matapos ang abduction, natagpuang patay ang 2 sa mga Chinese sa Tanay, Rizal at makalipas ang ilang araw ay nakita rin ang bangkay ng dalawa pa sa Quezon province

Ayon sa opisyal ng PNP-AKG, kahapon nasakote sa Muntinlupa City ang isa sa suspek na positibong itinuro ng mga saksi

Hindi pa rin tukoy kung nasaan at kung buhay pa ang dalawa pang Chinese na isang babae at anak niya na 11-anyos.

Ang suspek ay isinalang sa inquest proceedings sa DOJ at ayon kay Fadullon, pag-aaralan nila ang impormasyon na isinumite ng PNP.


评论

发表回复

您的邮箱地址不会被公开。 必填项已用 * 标注

More posts